Friday, January 5, 2018

Meron o Wala: Barinahan at Batuhang Pakpak ng Manok

Photo Source: sabong.net.ph
            Napag-uusapan din naman natin ang Bagong Taon, pagpasok ng Year of The Dog Zodiac Signs nating mga Pilipino o minsan ang  KALENDARYONG TAGALOG . Bakit ‘di natin pag- usapan ang mga pamahiin o ilan sa mga senyales ng sabong noon na epektibo pa ba sa makabagong panahon (2018) ng SABONG NGAYON.

            Ano nga ba ang SENYALES  na “ BARINAHAN , PAKPAK ANGHEL PANINGIT at ang sikat na BATUHAN o MARAMING TAHID at ano nga ba ang mga bilin ng mga eksperto rito kung paano maging epektibo?

             Barinahan o pilipit na buntot o isang miyembro ng pakpak na usli, kadalasan sinasabi na bihira raw itong matalo sa unang laban na kung bitawan daw ito sa ruweda ay mauna sa bitaw at tiyak na lamang sa panalo. Kung titignan sa laban ay para bagang ‘di tinatamaan ng tari.

            Ito naman ang kwento ng mga matatandang sabungero tungkol sa PAKPAK ANGHEL PANINGIT kung saan may isang balahibo ng pakpak sa ilalim ng hilera ng pakpak na ‘di kasama sa ayun ng pakpak. Ito raw ay mananalo at nagbibilang ng panalo sapagka’t nagsisilbi raw itong pananggalang sa panama ng kalabang manok o tari at ito ay ‘di dapat ipinamamalita kung ikaw ay may manok na ganito lalo na’t ginagamit sa palahi.

            At ang huli natin kwentong pamahiin sa sabong ay ang BATUHAN o DOBLENG TAHID ng ating mga panabong. Ito ay may dalawa o higit sa normal na iisang tahid na kapag ito raw ay inilaban dapat ay magpapahuli ng bitaw sa ruweda at tiyak na magbibilang ng panalo. Kung nabitawan na ang manok na batuhan ay  magtapon daw ng maliit na bato sa pwesto ng kalaban para lalong epektibo ang anting-anting na taglay nito.

            Sana ka Meron o Wala ay makatulong ito sa ating kaligayahan bilang isang mananabong. ‘Ika nga ng karamihan, walang mawawala kung maniniwala at lalong magaling kung may sipag at tiyaga sa pagmamanok o pagsasabong. Maging parehas sa laban at maging tapat sa kapwa. At sa huli kung susubukan mo ang Supermedz, isang organikong pang-condition at pointing na nakabase sa siyensya pagkatapos ay sasamahan mo pa ng matandang paniniwala, baka ito na ang daan para sa dagdag na tagumpay sa bawat laban.

            Kung may mga katanungan o nais alamin sa Supermedz, maaaring tawagan ang awtor sa numerong 09155779379.

-MAKURI MAKURU


Sponsor

Recent Posts