Wednesday, October 4, 2017

Paglalagay ng Tali sa Manok-Panabong


May mga nagtatanong kung saan ba dapat na kabitan ng tali ang manok. Sa kanan ba o sa kaliwang paa?

May mga nagsasabi na mas maganda kung sa kanan tatalian ang manok lalo na kung stag pa alng ang manok dahil ‘di pa ganun katigas ang paa nito. Kapag tinalian sa kaliwa ay mangangalay lang ito at baka makaapekto pa sa oras na ilalaban mo na. Sa kaliwang paa raw kasi ang tinatarian ang manok. Isa pa, kapag nasabit ang tali ng manok ay maaaring magkakaroon ng depekto ang paa ng manok.

Pero meron din naman tayong mga kasabong na pinagsasalitan ang paglalagay ng tali sa kanan at kaliwang paa. Kailangan din diumanong ilagay ang tali sa kaliwang paa ng manok para magsilbing ehersisyo sa kanila. Kasi kapag puro kanan lang at gusto mo nang ilagay sa kaliwa ay maninibago nga naman ang manok. Puwede rin daw na magkaroon ng mussel ang paa na laging tinatalian. Kaya’t kapag naglakad ang manok ay ‘di na pantay. Kaya’t para sa kanila ay maganda kung salitan ang gagawin.


Wala namang dapat pagtalunan kung saan magandang ilagay ang tali sa manok. Nasa magmamanok na rin ito kung saan niya gustong ikabit. Obserbahan muna ang manok kung saan ito mas kumportable. Siyempre, kasama na rito ang araw ng laban ng manok para masabi mong walang masama sa ginagawa mong sistema nang pagtatali.  

Sponsor

Recent Posts