Sunday, October 1, 2017

Manok na May Balbas!


Nakakita ka na ba ng manok na may balbas? Mayroon nito ang Makuri Makuru @ King Lion Gamefarm na nakabase sa Rosario, Batangas. Huwag pagtaasan ng kilay ang ganitong klase ng manok dahil kahit mabalahibo o pangit mang tingnan ay may napatunayan na ang lahi nito.

Ayon kay Ariel Febres na handler ng nang nasabing farm, mula nang dumating si Balbas ay ganito na ang kanilang ipinangalan sa kanya. Mayroon itong kapatid at ganun din ang ibinansag nila rito. Pero minsan ay tinatawag din nila itong Mitra alinsunod sa pangalangan nang nasirang si Speaker Ramon Mitra na isang sikat na sabungero noong siya ay nabubuhay pa. Puti nga lang ang balbas ni Mitra samantalang sa manok nila ay itim. 

Galing diumano si Balbas sa winning line na pamilya ng mga manok. Ang nanay nito ay Mel Sims dahil itim ang paa habang ang tatay naman ay ‘di nito matandaan kung ano ang linyada. Sa palagay ni Ariel kaya nagkaroon ng balbas ang nasabing manok, maaaring galing ito sa oriental chicken na ipinares sa Mel Sims.

Minsan na nilang nasubukan ang kapatid ni Balbas na kapareho niya ang hitsura. Nanalo ito sa 4-cock derby sa kanilang bayan kung saan ay mga bigtime ang kanilang nakalaban. Nabalda nga lang ang kapatid ni Balbas at naipamigay na nila ito sa kaibigan ng kanyang amo.

May balak silang i-cross si Balbas sa mga inahin na Sweater para alamin kung winning line rin ang mga anak na ilalabas. 

Kung may nais ipaabot na mensahe sa Makuri Makuru @ King Lion Gamefarm, maaaring kontakin ang numerong 0915-577-9379.

Panoorin ang video ni Balbas at ang aming panayam kay Ariel Febres:

Sponsor

Recent Posts