Wednesday, October 11, 2017

60 Katao, Arestado sa Iligal na Pasabong sa Cam Sur


Hindi lamang tupadahan ang niri-raid o hinuhuli ng kapulisan, kahit pa sabungan ‘yan basta’t walang permit ay bawal pa rin ito. Ganito ang nangyari sa Camaligan Sports Center, kilala rin sa tawag na Fulgentes Cockpit sa may Brgy. San Roque, Camarines Sur na nilusob ng mga kooperatiba dahil diumano sa paglabag sa Presidential Decree No. 449.

Nabulabog ang mga tao sa nasabing sabungan nang lusubin sila nang pinagsanib na elemento ng CIDT-Camarines Sur, PIB-Camarines Sur at ng Camalihgan Municipal Police Station.  

             Ayon sa ulat ng Bicol Standard, nasa 60 katao ang naaresto sa nasabing sabungan. Nakakuha rin ang mga operatiba ng 53 na sasabunging manok, 19 na tari at nakasamsam ng perang pamusta na nagkakahalaga ng 11 thousand pesos. Nakunan pa ng video nang nasabing pahayagan ang pagsakay sa jeep sa jeep ng mga nakuhang manok-panabong.

Panoorin ang video:

Sponsor

Recent Posts