Friday, September 1, 2017

Tanya and RitszQi (Pag-ibig at Paglalakbay sa Manok)


Sina Tanya, RiszQi at Bong habang nakasakay sa kotse

Marahil ay kilala na ninyo sina Tanya Nacion at RitszQi. Sila ang magkasintahan na nag-viral ang video na may pamagat na “Pag-ibig Dahil sa Manok” na nakapaskil sa Facebook page na Sabong Ngayon. Nakakuha na ito nang mahigit 400 thousands views. Si RitszQi ay isang Indonesian breeder na na-inlove sa isang Pinay, sa katauhan ng model at breeder na si Tanya.

Halik ng pag-ibig na dahil sa manok

Kamakailan ay nagbakasyon dito si RitszQi nang halos isang buwan. Tatlong araw din ang inilagi nila sa Iloilo para bisitahin ang sikat na breeder na si Bong Colada. Si Bong ay minsan nang nagkampeon sa International Candelaria Derby. Sumikat siya dahil sa kanyang mga bloodline na Mel Sims Black at 5k Sweater. Bukod dito ay ipinagmamalaki rin niya ang kanyang Grey na galing kay Dink Fair at Yellow Legged Hatch.

East Vale Gamefarm


Sina Tanya habang nasa Alexandra Gamefarm

Ayon kay Tanya ay napakalawak at napakalinis ng farm ni Bong. Dalawa diumano ang farm nito, ang isa (EastVale Gamefarm) ay nasa kabundukan at matatagpuan sa bayan ng Janiuay. May sukat ito na  2-3 hectares. Meron din siyang farm  sa kapatagan (Alexandra Gamefarm) na matatagpuan sa bayan Guimbal. May sukat naman ito na 7.6 hectares. Nagsisilbi itong cording area at show room para mas madaling puntahan ng mga buyer.

Si RitszQi habang pinapakinggang mabuti ang mga tips sa pagmamanok ni Bong 

Sa obserbasyon ni Tanya ay dedicated talagang breeder si Bong. Tutok na tutok kasi ito sa pagmamanok. Nakita pa niya na nagpupungos ito ng mga manok. Mahusay din itong pumili ng manok, mapa-materyales man o pang-laban. “Kung hindi ako nagkakamali, kumukuha sa kanya ng manok ang ilang malalaking breeder kasama na rito si Lancey Dela Torre,” sabi ni Tanya.

Bago maging magkasintahan sina Tanya at RitszQi ay naging magkaibigan muna sa Facebook si RitszQui at si Bong. Naging idol ni kasi ni RitszQi si Bong dahil nagagalingan siya sa manok nito. Nag-i-import siya ng manok nito. Kapag nalaman diumano sa Indonesia na ang manok ni RitszQi ay galing kay Bong Colada siguradong maibebenta agad ito. Ilan lang sa nakuha niyang mga manok galing kay Bong ay ang Mel Sims Black, 5k Sweater at Yellow Legged Hatch.






Ayon kay Tanya, “Si Sir Bong ay very low profile na tao. Very approachable siya at napakamasiyahin at palabiro”. Noong andun sila ay talagang inasikaso sila nang husto mula pagkain hanggang sa kanilang matutuluyan ay sinagot nito.  Para nga raw nila itong ‘Big Bro’ sa kanila. Ito pa lang ang unang pagkakataon na makaharap nila si Bong, pero parang matagal na silang magkakilala nang personal. Marami diumanong naibahagi sa kanila si Bong, hindi lang sa pagmamanok kundi pati na rin sa buhay-buhay. Nakilala rin nila ang kapatid ni Bong ni Atty. Lex Colada na mabait din.

Si RitszQi habang sinisipat ang manok ni Bong

Si Tanya na nagsi-selfie habang nag-uusap sina RitszQui at Bong

       Sa pagmamanok, ilan lang sa naibahagi ni Bong ay kung anu-anong bloodlines ang magandang i-cross. Isa sa tumatak kay RitszQi sa mga sinabi ni Bong ay “Select the rooster who can cut accurately to opponent”.


Sina Tanya kasama si Domingo Baltazar na farm boy ni Bong

Pinayuhan pa sina Tanya at Ritzqui ni Bong na magpakasal na agad sila para magkasama na sila sa pagninegosyo ng manok. Nakikita raw kasi ni Bong na magaling mag-market si Tanya habang si RitszQi naman ay nagbi-breed na at mahusay sa sales. Dapat nilang samantalahin habang mainit pa sa Bali, Indonesia ang mga manok na galing sa Pilipinas.

Kung may pagkakataon ay dadalaw muli sina Tanya at RitszQi sa farm ni Bong Collada. Alam nilang ‘di rito nagtatapos ang  kanilang ugnayan o pagkikipagkaibigansa kanilang Big Bro.




Sponsor

Recent Posts