Monday, September 11, 2017

Ang Blacks ng DVH and Sons Gamefarm

Larawan mula sa Fb page ng DVH and Sons Gamefarm
Ang DVH and Sons na pagmamay-ari ni Dante Hinlo ay nakilala sa kanilang manok na Blacks. Pero mga kasabong alam n’yo ba kung paano nila ito nakuha?

Ang Black ng Hinlo family ay nakuha nang namayapa ng ama ni Dante na si Danilo Hinlo sa isang small time breeder. Kinakitaan niya kasi ng husay ang ganitong manok nang minsang manood siya ng sabong sa may Talisay Cockpit. Noong panahon na ‘yun ay ‘di pa sumisikat ang ganitong klase ng strain. Nauwi lang sa tabla ang laban ng Black, pero nagkainteres pa rin siya rito dahil nakitaan niya ito ng gameness. Nakatumba na kasi ang kalaban, pero ang Black ay sumusugod pa rin. Kumbaga, never say die ito. Kahit ambabata pa nga lang ng kanilang Black ay ‘di marunong sumuko sa laban.

Sinabi nang pinagkunang breeder ni Mang Danilo na nanggaling ang Black sa kanyang pinsan. Itlog pa lang ang mga ito nang mapunta sa kanya. Nakuha raw ito ng pinsan ng breeder mula sa Amerikanong breeder na si Gary Gulliam.


Ang Black ay inihalo ng Family Hinlo sa Hatch at Roundhead. Nagustuhan naman nila ang resulta nang ginawa nilang paghahalo. Maraming beses na rin kasi silang nagkampeon sa mga pasabong na kanilang sinalihan gamit ang mga Blacks. Siyempre, hanggang ngayon ay iniingatan pa rin nila ang kanilang Blacks. Bakit hindi? Eh, ito ang kanilang signature line. Kapag sinabing DVH and Sons, manok na Black na agad ang maiisip ng mga tao.

Larawan mula sa Fb page ng DVH and Sons Gamefarm


Sponsor

Recent Posts