Thursday, March 30, 2017

Meron o Wala: Tibak (Bumble Foot)

Photo Credit: hobbyfarms.com

Tibak o ' bumble foot ! Ano nga ang sanhi at lunas ng sakit na ito?  Pwede pa bang gamitin sa breeding ang manok na tinamaan nito? Ito ang laging nagiging sakit sa ulo ng ating mga ka-MERON o' WALA lalo na kung ang manok pinapalahi natin ay winning line.

Unahin ko po ang opinyon ko at dahilan kung bakit nagkakaroon ang ating alaga ng ganitong karamdaman:

1. Maduming sahig ng kulungan (cage)
2. Overweight na manok
3. Nakalagay sa semento ang ating alaga
4. Masyadong mataas ang flypen o hapunan
5. Nagkasugat at naimpeksyon ang ating mga manok

May natanggap tayong tanong na galing sa text message mula sa ating ka-Meron o' Wala at tagaysubaybay na si Mr. Niki Espanyol ng NuEva Viscaya, " Pwede pa po bang gawin na pang-breeding ang manok na nagkatibak? Ang sagot ko po ay  ganito: Oo basta ito ay nalunasan na at magaling na. Walang naman kasi itong kinalaman sa semilya ng manok. Pero kung sakaling gamitin ito kasalukuyan na nagkatibak at maga pa ang paa, hindi ito mabuti dahil mahihirapang sumakay o sumampa ang broodcock sa inahin. Ito ay dahil nga sa masakit ang kanyang paa.

Marahil ay bitin na naman kayo sa kuwetuhan natin. Sa susunod naman ay tatalakayin ko at ibabahagi ang iba’t ibang paraan ng paggagamot ng tibak sa makabagong teknik o henerasyon ng pagmamanok.

Hanggang sa muli, SA MERON SA WALA!


Para sa inyong mga mensahe sa awtor ng pitak na ito na si Makuri Makuru, maaari siyang kontakin sa numerong 0915-577-9379 at 0949-121-2050.

Sponsor

Recent Posts