Thursday, February 2, 2017

Satanok ang Manok na May Sungay

                                    
        Marami ang mga 'di makapaniwala nang kumalat sa social media ang mga larawan ng isang manok na mayroong sungay. Ito ay matapos na may mag-shared nito sa iba't ibang Facebook groups. Sabi nila, photo shop lang ito o 'di-kaya'y edited. May mga nagsabi rin na tahid ito at inilagay o idinikit sa ulo ng manok. Mayroon pa ngang mga nagagalit dahil nanloloko lang daw ang nag-post nito. Pero mayroon ding mga naniniwala na totoo ito. Maaari raw kasi na tahid ito, imbes na sa binti tumubo ay sa ulo ito tumubo. May mga nagsabi rin na maaaring ito ay isang uri ng abnormality sa katawan ng manok.

Kung anu-ano nga ang ibinansag ng mga nakakitang netizen sa manok na ito. Una na riyan ay ang 'demonyo line o devil cock.'  Hindi naman daw maaaring tawagi ito na manok ni San Pedro. May mga nagbansag din na 'bakanok' o 'di-kaya'y kambinok' at 'toronok'. Nalahian daw kasi ang nanay ng manok nang nasabing mga hayop.

Dahil sa mabilis na kumalat ang aming post hinggil sa naturang manok na may sungay ay may dalawang Facebook user, isang lalaki at isang babae na parehong taga-Davao City ang nagpaabot ng mensahe. Pinatotohanan nila  na 'di gawa-gawa ang naturang pictures. Sinabi ng lalaki na kahit noong una ay 'di siya makapaniwala na may manok na mayroong sungay hanggang sa makita niya ito nang personal. Dito niya napatunayan ang kuwento na totoo nga ito. Sinabi pa niya na iningatan ito nang husto ng may-ari dahil marami ang pumupunta sa kanilang lugar at nagpahayag ng interes na gusto nila itong bilhin.

Samantala, sinabi ng babae na tinatawag ang manok sa kanilang lugar na Satanok at Haring Manok. Sinagot pa niya ang komento ng ilang mga netizen na 'di naniniwala. Sinabi niyang natural lang na 'di sila akapaniwala na 'di ito totoo. Hindi kagaya niya na nakita niya ito ng personal. Noong una ay maliit pa ang sungay ng manok kinalaunan ay humaba pa ito. Pero nang tumanda na ay lumiit uli ito. Ibinalita pa niya na sa ngayon ay patay na si Satanok. Bigla raw kasi itong nagkasakit.

Panoorin ang video ni Satanok:

Sponsor

Recent Posts