Friday, February 10, 2017

PFGB Digmaan 2017 National 11-Stag Derby,60 Million Pesos ang Premyo!

                                                         
          Nitong Biyernes (Pebrero 10) ay isinagawa ang general assembly ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders-Digmaaan Inc. o PFGB. Kasabay nito, ipinahayag ng presidente nila na si Wilson Ong na magiging 60 million na ang guaranteed prize sa pasabong ng asosasyon ngayong taon. Samantalang 12 thousand pesos ang pot money. Ang pahayag ito ay labis na ikinatuwa ng mga miembro. Bukod sa malaki ang papremyo, ibig sabihin lang nito ay talagang palakas nang palakas ang kanilang grupo.

          Matatandaang noong nakaraang taon ay nakipag-alyansa pa ang PFGB sa National Barkahan ni Cong. Patrick Antonio kung saan 50 million ang ibinigay nilang guaranteed prize sa kanilang pasabong. Pero ngayong taon na ay mag-isa itong iu-organisa ng PFGB.

Sponsor

Recent Posts