Thursday, February 2, 2017

Cong. Arnie Teves, Wagi sa Candelaria International Derby 2017

Matagumpay na naidaos ang   pang prestihiyosong derby sa bansa na Candelaria 7-Cock International Derby kung saan ay itinanghal na solo champion ang entry ni Cong. Ernie Teves na Cong. Ernie. Nakakuha siya ng perfect score.

Si Cong. Teves ay kasalukuyang tumatayong representative sa Kongreso ng Binayawan City, Negros Oriental.

Muntikan na ring mag-champion ang entry ni Dino Olaguer ng Jet Sweater Gamefarm na nag-champion na noong 2005. Nakakuha siya ng score na 6 1/2 points.

Ang Candelaria International Derby ay taunang isinasagawa sa Iloilo Coliseum kasabay nang pagdiriwang sa kapistahan ng Nuestra Senora de Candelaria. Ngayong taon, isinagawa ito mula Jan. 29 hanggang Feb. 2. Inorganisa ito ng Iloilo Sportsmen at mayroon itong guranteed prize na 5 million.

Ang Iloilo Coliseum ay matatagpuan sa San Isidro, Jaro, Iloilo. Pagmamay-ari ng isa sa haligi ng sabong sa bansa na si Chito Tinsay.


Sponsor

Recent Posts