Monday, February 20, 2017

2 Sabungero na Nanalo ng 3 Milyong Piso, Patay sa Holdup!

Patay ang dalawang katao matapos na ma-hold up ng mga ‘di pa nakikilalang salarin. Ang mga biktima ay kinilalang sina  Lemen  Aldiano, jeepney driver at  ang negosyante na si Arvin Arsenio.

Ayon sa ulat, pasado alas nuwebe ng gabi noong ika-7 ng Pebrero ng taong kasalukuyan kagagaling  lang ng mga biktima sa sabungan at kapapanalo lang ng tatlong milyong piso. Habang lulan sila ng motorsiklo at binabagtas ang isang kalye sa Camarin, Caloocan ay may nakasunod sa kanilang riding in tandem.

Napansin diumano ng mga biktima na sinusundan sila nito kung kaya’t bigla silang napahinto. Nang makalapit ang isa sa riding in tandem ay hinablot ang bag na naglalaman ng pera na hawak ni Alvin, pero ayaw niya itong bitawan. Dahil dito ay nagalit ang mga suspek at binaril siya nito.


Nagawa namang tumakas ni Lemen na may tama rin ng bala. Nagawa pa itong maisugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Source: Bitag Media

Sponsor

Recent Posts