Saturday, January 21, 2017

San Roque BB1 ng Delos Santos Brothers, Wagi sa World Pit Master Cup 9-Cock International Derby!


       Matagumpay na naidaos ang World Pit Master Cup 9-Cock International Derby na isinagawa sa Newport Performing Arts Theater ng Resort World Manila mula Enero 16-21. Itinannghal na nag-iisang kampeon ang San Roque BB1 nang magkapatid na sina Joey at Buboy delos Santos kontra sa entry ni Eric dela Rosa na Feb. 22 SJC 6-Cock. Nakakuha sila ng score na 8.5.

Sadyang naging makapigil ang championship dahil nagpakitang gilas din ang puting manok ni Dela Rosa. Pero sa huli ay tinalo nga ito ng pulang manok ng Delos Santos Brothers.Tumagal ang laban nang mahigit isang minuto.

      Ang World Pit Master Cup ay may guaranteed prize na 15 million pesos. Inorganisa ito nina Atong Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon at Gov. Eddie Bong Plazaat inisponsoran ng Thunderbird, Sagupaan, Resort World Manila at ng Solaire.

Panoorin ang video:

Sponsor

Recent Posts