Monday, January 30, 2017

Manok na May Sungay, Usap-Usapan sa Social Media


          Kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng mga sabungero online ang mga larawan ng manok na mayroong sungay. Ito ay matapos ibahagi ng ilang netizens sa iba't ibang Facebook  groups. Pinag-uusapan na nga rin ito ng mga sabungerong Vietnamese matapos may mag-post sa kanilang FB fan page.

        Karamihan nang mga nakakita sa mga nasabing larawan ay di naniniwala. Posibleng edited lang it o na-photoshop lang. Kung di naman ay maaaring iniligay lang sa ulo ng manok ang sungay. Kung totoo raw ito e di sana ay kumalat na ang ganitong lahi. Palagay naman ng iba, maaaring ito ay isang uri ng abnoalidad sa katawan ng manok. di lang nila mawari kung ano ang tawag dito. Biro naman ng iba, ito ang tinatawag na 'demonyo line'. Malayo naman ito sa tinatawag na horn-comb fowl dahil ang palong lang ng manok ba ito nagmistulang sungay kumpara sa sungay ng manok ma nasa larawan.

Sponsor

Recent Posts