Thursday, November 17, 2016

Mexican Cockfighters, Nagrambulan sa Sabungan!

Ang mga Mexican cockfighter na napang-abot sa ruweda
Viral ngayon ang video ng sabong sa Mexico kung saan nagkarambulan ang mga tao sa sabungan. Ito ay nang bitawan ng isang sabungero ang manok na may tari pagkatapos ng break. Napikon naman ang katunggali nito at sinipa ang kanyang manok. Dito na nag-away ang dalawa at dali-dali namang sumugod ang mga kaibigan ng magkabilang-panig at nauwi nga ito sa rambulan.

Ang nasabing video ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Anila'y ibang klase rin pala ang sabong sa Mexico dahil pikon ang mga tao. Samantalang dito sa Pilipinas ay nagkakasiyahan pa sa ibabaw ng ruweda. May nagpaliwanag din na sabungero, may FB user na Redtail GF na walang kasalanan ang naunang nagbitaw ng manok dahil nagsabi ng ang referre ng "Pit" o puwede nang bitawan ang manok. Sa kabilang banda, may mga nagmungkahi naman na dapat ay igaya na lang nila sa Pilipinas ang kanilang rules sa sabong.

Ang viral video na ito ay naka-post sa Facebook page na Sabong Ngayon. Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon na itong 171 thousand views, mahigit 3 thousand shares at 1,800 likes.

Watch the video here:

Sponsor

Recent Posts