Wednesday, June 1, 2016

MLG63, Nag-Solo Champion sa World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby 2016

 
       Gaya nang dati ay naging kapana-panabik ang katatapos lang na World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby 2016 na sinasalihan ng malalaking gamefowl breeders, mapa-Pinoy man o dayuhan.

Punung-puno ito ng aksyon at magagandang laban. Sa ikalawang edisyon nang naturang paligsahan, itinanghal na solo champion ang entry na ML G63 na pinagtambalan nina Magno Lim at Danny Soriano. Nakakuha sila ng score na 7.5 points.

Nakatapat ng MLG63 sa kanilang huling laban ang entry Manila Teachers Partylist nina VG Lacson at Juris Sucro. Bago ang naturang tapatan, nakakuha ng 6 points ang kanilang katunggali. Tinalo nga lang sila ng Sagupaan Mitefree nang makatapat nila ito sa ika-20 sultada.

Ang grand finals ng World Slasher Cup-2 ay nagkaroon ng 32 sultada kung saan lima ang nakapasok na may score na 3.5 points kabilang na rito ang nagkampeon na grupo. Samantala, labing-isa naman ang pumasok na may score na 4 points.

Ang katatapos lang na prestihiyosong derby ay nilahukan ng 260 entries. Ito ay ginanap sa may Smart Araneta Coliseum mula May 26 hanggang June 1 at insponsoran ng Thunderbird, B-Meg Integra, Petron at ng Red Bull Energy Drink.


Sponsor

Recent Posts