Tuesday, June 14, 2016

FIGBA FIESTAG 2016, Malapit na!


Taun-taon ay pasigla nang pasigla ang industriya ng sabong sa Pilipinas dahil sa pagdami ng mga gamefowl expo. Kabilang na rito ang FIESTAG na taung-taong isinasagawa ng Federation of International Gamefowl Breeders (dating National Gamefowl Breeders Association, Inc.).

Ngayong taon ang FIESTAG ay gaganapin sa World Trade Center mula Agosto 19-21. Magbubukas ng alas-diyes ng umaga at magsasara sa alas-siyete ng gabi.

Gaya nang dati ay magiging kapana-panabik na ang FIESTAG. Mas lalo itong lumaki ngayong taon dahil mula sa SMEX, MOA ay gaganapin na nga ang venue sa World Trade Center na pinagdadausan din ng World Gamefowl Expo. Magtitipun-tipon sa event ang iba't ibang mga breeder sa Pilipinas para maibahagi ang iniingatan nilang bloodline. Magkakaroon din ng showcase ng gamefowl products ang iba't ibang kumpanya. Bukod dito ay magkakaroon din sila ng gimik sa kani-kanilang booth kabilang na ang pagpapa-raffle ng mga manok.

Bukod sa mga nabanggit na, magkakaroon din ng auction ng manok at seminar hinggil sa pag-aalaga at pagbabantay sa kalusugan ng manok. Siyempre, 'di rin mawawala ang Bitawang Bayan kung saan ay malayang makakapagbitaw ang mga sabungero ng kanilang nabiling manok sa set up na ruweda. Mag-i-enjoy din ang mga dadalo dahil maraming mga naggagandahang modelo ang makikita sa loob ng venue.

Sponsor

Recent Posts