Thursday, August 27, 2015

World Slasher Cup: Ang Pangarap Mong Derby!

Ang World Slasher Cup ang itinuturing na kauna-unahang international derby sa Pilipinas. Dalawang beses itong isagawa sa loob ng isang taon, kada-buwan ng Mayo at Hunyo. Pinamumunuan ito ni Nene Araneta na kilala ‘di lamang sa pagiging mahusay na business man kundi pati na rin sa kanyang pagkahilig sa manok. Ang World Slasher Cup ay dinadaluhan ng mga big na breeder, mapa-Pilipino man o mga foreigner. Isinasagawa ito sa Smart Araneta Coliseum na tumatagal sa loob ng isang linggo. Mula sa dating 8-cock ay naging 9-cock derby na ito. Ibig sabihin ay lalo itong lumalakas sa paglipas ng panahon.

                Ang presscon ng World Slasher Cup ay karaniwang isinasagawa sa may Gateway Mall at sa Balai, na malapit lang sa Farmers Plaza at katapat ng EDSA. Kung ikaw ay taga-media, nakatutuwang dumalo sa presscon dahil bitbit ni Nene Araneta ang ilang mga kinatawan sa Binibining Pilipinas na sumali na o sasali pa lang sa international beauty contest. Pinapahawak sila ng mga manok habang isinasagawa ang ritual ng World Slasher Cup, isang araw bago umpisahan ang naturang derby. Ilan lang sa mga regular na makikitang sumasali rito ay sina Dicky Lim, Nene Abello, Engr. Sonny Lagon, Boy Marzo, atbp.

                Noong una ay mga kilalang at mga bigtime na sabungero lang ang nananalo rito gaya nina Peping Cojuanco, Patrick Antonio, atbp. Pero buhat nang manalo si Rey Briones ng Spartan Gamefarm ay nagbago na ito. Nabigyan din ng pagkakataon ang iba na manalo. Ayon kasi kay Tata Rey ay nabibilang siya sa marginalized breeder at dahil sa World Slasher Cup ay talaga namang gumanda ang kanyang cockfighting career. Ang dating maliit niyang gamefarm ay napalaki niya. Napaikot niya nang husto ang kanyang naging premyo. At dahil sa marami na ang nakakakilala sa kanya ay marami ring bumibili ng kanyang mga manok. Pinatunayan niya na hindi lang tyamba ang kanyang pagkakapanalo dahil nanalo pa siya rito ng ilang beses.


                Bukod kay Tata Rey, nagwagi rin ang dati namang ‘di kilalang breeder na si Engr. Sonnie Magtibay ng Red Cobra Gamefarm. Bago ito ay naging financier siya ni Boy Tanyag ng CRB Gamefarm at nanalo sila sa Bakbakan. Dahil sa pagkakapanalo ni Engr. Magtibay ay kinuha pa siyang product endorser ng isang malaking kumpanya na gumagawa ng gamefowl feeds. Bagama’t ‘di na naulit pa ang kanyang pagkakapanalo sa World Slasher Cup, once na mag-champion ka sa isang prestige derby ay tatatak na ito sa isip ng marami at maituturing nang isang history. Marami na ring mga simpleng sabungero ang sumasali rito. Ang ginagawa nila kung hindi sila naghahanap ng financier ay nag-aambag-ambag sila ng pera. Hindi kasi biro ang pot money kapag sasalo ka rito kaya’t kailangan mo talagang maghagilap ng pondo. Pero sa mga bigtime na magsasabong, sisiw na lang ito. Kahit sino’ng sabungero ang tanungin mo, pangarap nilang maging champion sa World Slasher Cup!

Sponsor

Recent Posts