Saturday, August 22, 2015

SABAYAN 7-STAG DERBY, Ikinasa na!


      
Sadyang hindi tumitigil sa pag-iisip ang FIGBA (Federation of International Gamefowl Breeders Association), dating kilala sa tawag na NFGB (National Federation of Gamefowl Breeders Association) kung paano makapagbibigay ng magandang laban sa mga sabungero. Maliban sa BAKBAKAN at Bullang-Bullang ay isa na namang malaking pasabong ang kanilang binuo. Ito ay ang SABAYAN PARA SA MASA 7-STAG DERBY.

 Ang SABAYAN ay tiyak na maiibigan ng masang magmamanok. Mababa lang kasi ang pot money na nagkakahalaga ng P5,000. Samantalang ang minimum bet lang ay P3,300. Sampung milyong piso ang nagsisilbi ritong guaranteed prize. Naiiba ang SABAYAN kumpara sa mga nauna nang pa-derby ng FIGBA. Hindi lang kasi iisa o iilan lang ang puwedeng magkampeon. Dahil ang bawat asosasyon na nasa ilalim ng pederasyon ay mabibigyan ng pagkakataon na manalo. 

Ang SABAYAN ay may format na 3-4. Magkakaroon ng 3-stag elimination ang bawat asosasyon sa kani-kanilang lugar. Ang mga kalahok na makakakuha ng puntos mula dalawa hanggang tatlo ay makakapasok sa 4-stag final. Sabay-sabay itong gagawin sa mapapagpasunduang sabungan ng mga asosasyon.

Ang FIGBA ay naitatag noong taong 2000 at kasalukuyang pinamumunuan ni Ricoy Palmares, Jr. Nagpalit sila ng pangalan dahil hindi lang Pilipinas ang nais nilang saklawin. Kasalukuyan na silang nakikipag-alyansa sa ating mga karatig-bansa. Katulad ng BAKBAKAN at Bullang-Bullang, inaasahang guguhit din ang SABAYAN sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas.

                        

Sponsor

Recent Posts