Sunday, August 30, 2015

Mamie Lacson, Primero Klaseng Breeder sa Pilipinas


               Si Emmanuel "Mamie" Lacson ay isa sa mga pangunahing breeder sa Pilipinas at isa sa mga bigboy ng sabong noong araw. Naimpluwensiyahan siyang magmanok ng kanyang mga tiyuhin na sin Don Ramon Lacson at Don Basilio Lopez. Habang nasa kolehiyo ay nagsimula siyang pag-aralan kung paano ang mag-breed ng manok. Hanggang sa makapagtayo siya ng farm sa loob ng kanilang plantasyon ng asukal- ang Hacienda Zaragosa na matatagpusan sa Maao, Negros Occiendental. Nang lumaon ay inilipat niya ang kanyang manukan sa Mambukal, Murcia, sa lupain na pag-aari ng kanyang asawa.

            Ang Amerikanong breeder na si Harold Brown ang tumulong kay Mamie sa pagli-layout ng kanyang farm na tinawag niyang Circle L Gamefarm. Nakilala niya ito noong taong 1964 at mula noon ay ito na ang naging tagpagturo niya sa pagmamanok. Dahil sa kuneksyon niya kay Harold ay nagkaroon siya ng access kina Curtis Black, Johnnie Moore, Johnnie Jumper, Oscar Akins at iba pa. Ang nasabing mga dayuhang breeder ang pinagkunan niya ng kanyang broodstock. Siyempre, nakakuha rin siya ng mga manok mula kay Harold.

            Si Mamie rin ay kinikilala bilang ama ng mga asosasyon na naitayo sa Negros. Kabilang na rito ang United Negros Breeders Association (UNEGBA) na nagsagawa ng 1st derby circuit sa Bacolod. Ang asosasyon na ito ang nag-host sa Western Visayas International Derby. Sumali rin siya rito, kapartner si Richard Bates at naitanghal sila bilang runner up.

            Noong 1980 ay itinatag ni Mamie ang Negros Gamefowl Breeder (NGBA) at pinamunuan niya ito for 2 consecutive terms. Ang NGBA ay nag-organisa ng 1st stag derbies sa labas ng Maynila. Taong 1992 naman ay naging founder siya ng Gamefowl Breeders Association of Negros (GFBAN). Pinamunuan niya ito sa loob ng dalawang termino.

            Isa sa mga nakuhang championship ni Mamie ay noong manalo siya sa 1st National Breeders 6-Stag Derby na isinagawa sa Teresa Square Garden. Naka-perfect score siya rito gamit ang  mga manok na tinatawag niyang 'Black Stag na Blueface Mclean Hatches at Hatch Grey.


            Pumanaw si Mamie noong taong 2000 habang naglilingkod bilang lay minister sa isang simbahan sa Bacolod. Bago siya pumanaw ay nagsilbi pa siya bilang head ng GFBAN's advisory Group. Patunay na hanggang sa huling hininga ay taglay pa rin niya ang dugo ng pagiging magmamanok. Matagal nang nawala si Mamie, pero ang pangalan niya ay nakaukit na sa kasasayan ng sabong sa Pilipinas. Ang pamana ng Circe L Gamefarm ay ipinagpapatuloy ng kanyang anak na si Joey Lacson.

SOURCE: circlelgamefarm.com





Sponsor

Recent Posts